-- Advertisements --

Tumaas ang presyo ng manok at itlog sa mga palengke base sa monitoring ng Department of Agriculture (DA).

Ito ay kahit pa ibinaba na ng poultry raiser ang farm gate price ng naturang poultry products.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Agriculture spokesperson ASec. Arnel de Mesa na pagtutuunan nila ito ng pansin lalo na’t ang mga naturang produkto ay bahagi ng commodities na madalas bilhin ng mga mamimili.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo News team sa mga nagtitinda ng manok at itlog sa Paco, Market sa lungsod ng Maynila, ipinaliwanag nila ang dahilan ng mataas na presyo ng mga naturang produkto.

Base naman sa datos mula sa DA, nasa P80 kada kilo na lang ang farm gate price ng mga manok pero pagdating sa mga palengke ay umaabot na sa P220 per kilo.

Samantala, sa itlog naman ay bumaba na ng 50 centavo ang mga itlog pero nananatili pa rin sa P8 hanggang P9 ang bentahan nito sa mga pamilihan.