Tuloy-tuloy nang tumaas ang presyo ng karne ng manok sa Metro Manila kasabay ng lalo pang pagtaas ng demand.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), epekto ito ng ASF scare o takot ng mga konsyumer na bumili ng karne ng baboy dahil sa kumakalat na African swine fever (ASF).
Batay sa pinakahuling price watch na inilabas ng DA para sa Metro Manila, naglalaro na mula P180 hanggang P240 ang kada kilo ng manok na ibinebenta sa mga pangunahing palengke sa Metro Manila
Malayong mas mataas ito kumpara sa P175 hanggang P210 kada kilo na naitala noong huling linggo ng Hunyo, o bago ang malawakang pagkalat ng ASF.
Ito ay sa kabila na rin ng unang paglilinaw ng DA na ligtas kainin ang mga karne ng baboy sa mga pamilihan, sa kabila na rin ng patuloy na pagdami ng kaso ng ASF.
Samantala, ang presyo ng karne ng baboy ay naglalaro naman sa pagitan ng P280 hanggang P400 kada kilo.