-- Advertisements --
LA UNION – Nananatiling stable ang presyo ng karne ng manok iti merkado publiko ng San Fernando City, La Union.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union sa ilang meat vendors wala umanong pagbabago sa presyo ng karne ng manok sa kasalukuyan.
Bagama’t, posible rin tumaas ang presyo nito ngayon papasapit ang holiday season kung saan in demand ang mga ito.
Siniguro naman ng mga meat vendors na hindi magkukulang ang supply ng karne ng manok hanggang sa pagsapit ng Pasko at Bagong Taon.
Samantala, hindi naman lingid sa mga meat vendors ang pagiging matumal sa bentahan ng karne ng manok sa merkado publiko ng San Fernando City.