VIGAN CITY – Iginiit ni Samahang Industriya ng Agrikultura Chairman Rosendo So na wala naman umanong problema sa mga presyo ng mga agricultural products ngayon panahon ng community quarantine sa Luzon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay So, sinabi nito na hindi naman problema ang presyo ng palay na siyang ikinagagalak din ngayon ng mga magsasaka sa bansa.
Wala naman din aniyang pagbabago pagdating naman sa presyo ng karneng baboy.
Ang sobrang supply aniya ng ng manok ang tanging problema ngayon sa sektor ng agrikultura.
Maliban diyan nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng Department of Agriculture sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga iba’t ibang programang inilunsad ng nasabing ahensya.
Gayunman, hinihikayat ng opisyal sa mga magsasaka sa bansa na ipagpatuloy nila ang kanilang pagtatanim upang masigurado na sapat pa rin ang suplay ng bigas sa bansa lalo na sa panahon ng krisis.