-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dumoble ang presyo ng mga bulaklak sa Cauayan City ngayong palapit ang araw ng mga puso o Valentines Day

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Wilmer Viloria, katiwala sa isang flowershop sa lungsod, sinabi niya na maganda ang bentahan ng bulaklak dahil marami na ang bumibili.

Aniya marami na ring nagpa-reserve ng bulaklak para sa valentines day.

May pagtaas naman sa presyo lalo na sa rosas na madalas na inireregalo ng magkasintahan.

Aniya aabot sa P50-60 ang kada isang stem ng rosas ngunit ngayon ay aabot na sa P100 ang isang piraso.

Inaasahan naman aniyang tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa mismong araw ng mga puso at maaring umabot sa P150 kada piraso dahil tiyak na dadagsa ang mga bibili para panregalo sa kanilang mahal sa buhay.

Mayroon namang sapat na suplay dahil may stock pa sila at may inaasahan pang darating na kanilang ibebenta.