-- Advertisements --

Bumaba ang presyo ng mga duplex housing at condominium units.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na bumaba ang presyo.

Base sa residential real estate price index ng BSP na bumaba ng 2.3 percent sa 163.9 noong third quarter kumpara sa 167.7 percent ng parehas na quarter noong nakaraang taon.

Noong 2022 ay nagkaroon kasi ng 9.4 percent na pagbaba sa loob ng second quarter.

Mayroong 6,626 na kabuuang bagong housing units na duplex ang naibenta sa third quarter ng 2024.

Habang ang presyo ng mga condominium ay bumaba ng 9.4 percent na 205.6 sa third quarter ng taon mula sa 226.9 percent ng parehas na quarter noong nakaraang taon.