-- Advertisements --
BAGUIO CITY-Posibleng tumaas ng 10 percent hanggang 20 percent ang presyo ng mga gulay sa Baguio City Public Market mula ngayong araw, Good Friday.
Ayon kay Manuela Cruz, presidente ng vegetable section sa merkado, maraming suplay ng gulay sa merkado ngunit hindi maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga ito lalong-lalo na sa broccoli at cauliflower.
Sinabi niya na kahapon ay normal pa ang bilang ng mga bumili ng iba’t-ibang gulay at isda.
Gayunpaman, inaasahan ng mga nagtitinda na ngayong araw ay darami ang kanilang mga magiging costumer.
Ipinaliwanag ni Cruz na naging tradisyon na ng mga Katoliko na umiwas sa pagkain ng karne kapag Good Friday hanggang Easter Sunday at mas pinipili nilang kumain muna ng gulay at isda.