BAGUIO CITY – Tumaas ang presyo ng mga gulay La Trinidad Vegetable Trading Post sa La Trinidad, Benguet.
Nanggagaling sa nasabing pasilidad ang malaking suplay ng mga highland vegetables na ibinebenta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Agot Balanoy, tagapagsalita ng liga ng mga asosasyon ng mga magsasaka sa Benguet, maituturing na “above cost of production” ang presyo ng mga highland vegetable sa trading post dahil sa nararanasang pag-ulan.
Batay sa pinakahuling trading, nagkakahalaga ng P45 hanggang P56 ang presyo ng bawat kilo ng carrots, P48 hanggang P51 sa patatas, P25 hanggang P30 sa wombok, P10 hanggang P25 sa raddish habang ang repolyo lamang ang may mababang presyo.
Sa kabila nito, tiniyak ni Balanoy na sapat ang suplay ng mga highland vegetabales na nanggagaling sa Benguet at Mountain Province.