-- Advertisements --
DTI SEC RAMON LOPEZ
DTI SEC RAMON LOPEZ/ FB POST

Bababa ang presyo ng imported bigas sa susunod na Linggo.

Ito ay base sa ginanwang pag-iikot ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang palengke sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, kinausap na ng ilang supplier ng mga imported na bigas ang kanilang retailers tungkol sa pagbaba ng kanilang mga presyo.

Mula aniya sa dating P35-P37 ay magiging P32 pesos na lamang ito.

Nananatili naman sa P40 kada kilo ang presyo ng mga lokal na bigas sa bansa.