-- Advertisements --
Naramdaman na ng mga mamimili ang epekto ng cyberattack sa pinakamalaking meat supplier ng US ang JBS Food.
Ito ay matapos na nagtala ng pagtaas ng presyo ng mga karne ng baka sa iba’t-ibang pamilihan ng US.
Mayroong 10.8 % na pagtaas sa presyo ng mga karne ng baka ang ipinataw dahil sa pagsara ng mga planta ng JBS Food bunsod ng cyberattack.
Tiniyak naman ng kumpanya na kanilang inaayos ang nasabing problema kung saan hindi naman aniya apektado ang kanilang mga back-up servers.
Lahat aniya ng mga planta ng kumpanya ay nagsara dahil bilang resulta ng nasabing hacking.
Nauna ng iniimbestigahan na ng FBI ang nasabing insidente.