-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nakaambang tumaas ang presyo ng hotdogs at iba pang processed meat dahil sa ipapataw na dagdag buwis.

Ayon sa grupong Meat Importers and Traders Association, ito ay dulot ng mataas na ipinapataw na karagdagang buwis sa mga imported agricultural products.

Dahil dito, inaasahan na maapektuhan ang kita ng mga negosyante sakaling tumaas ang presyo ng mga nasabing produkto.

Posible daw kasing maging matumal o humina ang bentahan ng mga frozen meat.