-- Advertisements --
Nakaamba umano ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa ilang impormante mula sa oil industry, bababa ng mula P0.30 hanggang P0.40 ang kada litro ng gasolina.
May P0.40 hanggang P0.50 namang tapyas sa kada litro ng diesel.
Sa presyo naman ng kada litro ng kerosene, magkakaroon ng bawas na P0.50 hanggang P0.60.
Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo tuwing araw ng Martes.