-- Advertisements --
Inamin ng The Philippine Amalgamated Supermarket Association na mayroong pagtaas ang ilang produkto ng personal hygiene gaya ng shampoo, conditioner at sabon.
Isa aniya sa inirarason ng mga manufacturers ay ang pagtaas ng presyo ng mga raw materials o mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng kanilang produkto.
Sinabi naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, na nasa 20 porsyento ang inirequest ng ilang manufacturers.
Kanila aniya itong pinag-aaralan dahil sa nais nilang malimitahan ang pagtaas sa 10 porsyento lamang.