-- Advertisements --
Walang anumang pagtaas sa presyo ng mga tinapay ngayong panahon ng kapaskuhan.
Sinabi ni Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP) president Lucito Chavez, na nakikisama sila sa mga mamimili bilang pagdiriwang ng diwa ng kapaskuhan.
Pagtitiyak niya na kanilang nababantayan ang mga presyo ng mga tinapay para hindi umabuso ang ilang kapwa nila bakers.
Umaasa naman ito na baka sa susunod na taon ay maaaring maaprubahan naman ang kanilang hirit na taas presyo kanilang isinumite na sa Department of Trade and Industry.