-- Advertisements --
jeepney

Panawagan ni Deputy Speaker and Batangas Rep. Ralph G. Recto na mababaan ang presyo ng modernized jeepney dahil aniya ito ay malaki para sa mga jeepney drivers.

Binigyang diin niya rin ang pagpapataas ng subsidiyang ibibigay para mga mag aavail ng nasabing modernized jeepney.

“Gamitin ito para mas pagandahin ang programa. Bawasan ang “pain points” sa mga driver, mananakay at operators,
kung ang sticker price ng modern jeep ay P2.8 million, talaga namang mahal,” ani Rep. Recto.

Ang pag extend umano ng deadline para sa mga jeepney owners na magcomply sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) hanggang katapusan ng taon ay magbibigay daan sa gobyerno upang mas mapaganda at maimprove ang nasabing programa.

Dagdag pa niya, ang mga tradisyonal na jeep ay malaki ang serbisyo sa milyon-milyong pasahero, imbis umano na e phase out ay pagandahin nalang.

“They are the ‘Everything, Everywhere All At Once’ ride. They provide essential services yet treated as eyesores. Improve them. Don’t make them extinct,” sinabi pa ni Rep. Recto.

Ang estimated na 200,000 traditional jeep ay inaaccommodate ang halos 25 million na pasahero sa isang araw.