Itinaas na ng National Food Authority Council ang selling price o presyo ng NFA rice.
Ang NFA rice ay ang nagsisilbing buffer stock ng bansa at pangunahing nagagamit sa panahon ng kalamidad para sa mga serye ng relief operations.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, mula sa dating P25 ay ginawa nang P38 ang kada kilong presyo ng naturang bigas.
Ibig sabihin, makakabili ang Department of Social Welfare and Development at local government units ng NFA rice gamit ang naturang presyo.
Sa ilalim ng P25 kada kilo na presyuhan ng NFA rice, umaabot sa 40% ang lugi ng gobiyerno. Gayunpaman, ang mga binibiling bigas mula sa NFA ay siya namang ginagamit sa mga relief operations.
Samantala, ang NFA council ay pinamumunuan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.