-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) na asahan na muling bababa ang presyo ng petroleum products sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa naranasang Covid-19 surge sa China at industry’s price caps sa Russian crude.
Inihayag ni Oil Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na tumaas ang fuel inventory ng Amerika ibig sabihin humihina o bumababa ang fuel demand.
Narito ang mga tinatayang rollback para sa susunod na linggo:
Gasolina – P1 – P1.20
Diesel – P3.50 – P3.70
Kerosene – P2.20 – P2.40
Pinawi naman ni Romero ang pangamba ng mga mamimili na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo, dahil sa trend.