Inilabas ng Malacañang ang Executive Order (EO) para pigilan ang pagtaas ng presyo ng manok at iba pang poultry products.
Sa ilalim ng EO No. 123 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 15, 2021, nakasaad na may pangangailangang tiyakin ng gobyerno ang patuloy na supply ng essential food products sa matatag na presyo at matulungan ang mga negosyo na makarecover at mapanatili ang kanilang operasyon.
Sa harap na rin ito ng krisis na dala ng COVID-19 pandemic kaya kailangang magpatupad ang pamahalaan ng mga hakbang na naglalayong mapigilan ang matinding epekto ng kasalukuyang sitwasyon sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.
Kaya naman inirekomenda ng National Economic Development Authority (NEDA) na panatilihin ang 5% tarrif rates sa mga mechanically deboned meat ng manok at turkey.
Nakasaad din sa EO na hindi muna dapat taasan ang buwis ang fresh, chilled at frozen cuts ng manok.
Kaya inaasahang walang dapat pagtaas sa presyo ng manok sa merkado.