Asahan na sa susunod na linggo ang muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo .
Ito ang ikatlong sunod-sunod na pagtaas ngayong taong 2025.
Ayon sa kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero , batay ito sa international fuel trading sa nakalipas na apat na araw.
Narito naman ang inaasahang pagtaas next week.
Gasoline – P1.35 to P1.60 per liter
Diesel – P2.30 to P2.60 per liter
Kerosene – P2.30 to P2.50
Paliwanag ng ahensya , ang mga kaganapan sa international oil market ang isa sa mga nakaka impluwensya sa paggalaw ng presyo.
Partikular na dito ang pagpapataw ng panibagong sanctions ng US at UK sa Russian oil.
Sa araw ng Lunes ay inaasahang ilalabas ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo na kadalasang ipinatutupad sa araw ng Martes.