-- Advertisements --

Muli nanamang magtataas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis bukas, unang araw ng buwan ng Marso.

Ito na ang ika-siyam na sunod na linggong oil price hike ngayong taon.

Sa inilabas na advisory ng Philippine Shell Petroluem Corporation, magtaas ng P0.90 ang presyo sa kada litro ng gasolina , P0.80 sa kada litro ng diesel at P0.75 sa kada litro ng kerosene.

Magpapatupad din ng kaparehong oil price hike ang Cleanfuel subalit hindi kabilang ang kerosene na wala sa naturang oil company.

Magiging epektibo ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo dakong alas-6:00 ng umaga bukas para sa lahat ng oil firm maliban sa Cleanfuel na karaniwang nagpapatupad dakong alas-4:01 na ng hapon sa parehong araw.

Ayon sa Department of Energy inaasahang tataas pa ang presyo ng mga petrolyo sa mga susunod na linggo dahil sa limitadong output at epekto ng nagpapatuloy na geopolitical tensions sangkot ang Russia na siyang isang major oil exporter sa buong mundo.

Base naman sa mga economic managers ng bansa, maigting na nilang nimomonitor ang mga dahilang nakakaapekto sa domestic oil prices kasabay ng paghahanda ng pmahalan ng P2.5 million para sa fuel subsidies ng mga PUV drivers.