Inaasahan na mas bababa pa sa 85% ang presyo ng asukal sa mga retail store ngunit kahit ganun hindi naman umano maapektuhan ang mga sugar farmers.
Matatandaan kasi na Ang Sugar Regulatory Board ay nagbigay ng greenlight sa pag-angkat ng 440,000 metric tons ng asukal para sa 2023.
Ang pag-import umano na ito ay magpapalaki sa lokal na suplay ng asukal at inaasahang mapipigilan ang pagtaas ng presyo sa mga pamilihan.
Ayon kay Pablo Luis Azcona, ang Board member-Planters representative, ng Sugar Regulatory Administration, aniya nasa 200,000 metriko tonelada ang ilalabas sa merkado para mapana ang presyo ng asukal at ang 240,000 metriko tonelada ay magsisilbi namang buffer stock ng bansa.
Dagdag niya, iniisip pa rin nila umano ang kalagayan ng mga farmers kung ang desisyon na ito ay makakatulong lalo na’t talamak ang smuggled na asukal sa bansa.
Samantala,tiniyak rin ng Sugar Regulatory Administration na mayroon pa rin silang sinusunod na guidelines para matukoy ang mga importer na may good standing, mayroon din umanong performance bonds para rito.