-- Advertisements --
sibuyas 1

Malaki ang posibilidad ng Department of Agriculture (DA) na maaring bumaba ang presyo ng sibuyas sa susunod na taon.

Ayon kay Department of Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, posibleng sa kalagitnaan ng Enero 2023 maramdaman na ang pagbaba ng presyo ng sibuyas dahil sa ngayon, mataas ang presyo nito dahil sa mataas na demand ngayon dahil na rin sa kabi-kabilang handaan.

Kaugnay nito, patuloy na sisiguro ng kagawaran ang sapat ang supply ng sibuyas sa lahat ng pamilihan sa buong bansa.

Matatandaang umabot na sa mahigit P500/kilo ang kasalukuyang presyo ng sibuyas sa merkado.