Umaabot na sa P250-P270 ang kada kilo ng sibuyas ngayong linggo matapos ang presyuhan nito noon nakaraan na P230 lamang.
Ito’y matapos na magdaan ang kakulangan na din sa supply nito kaya ang ibang mga nagtitinda ng sibuyas at ang mga supplier ay kinakailangan pang maghintay muli ng panibagong supply nito mula sa kanilang mga pinagkukuhanan.
Ngunit sa kabila nito, marami pa rin ang bumibili ng sibuyas lalo na’t ilang linggo na lang ay malapit na ang araw ng kapaskuhan.
Dagdag pa dito, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas at iba pang mga bilihin ay kaugnay na din ng inflation na nararanasan sa ating bansa.
Gayunpaman, sa buwan ng Pebrero pa lamang umano magkakaroon ng panibagong stocks at supply ng sibuyas ngunit siniguro naman ng mga supplier na sapat ang kanilang naimbak na produkto hanggang Enero sa susunod sa taon.