-- Advertisements --

Pumalo na sa P250/kilo ang retail price ng pulang sibuyas sa ilang merkado sa Metro Manila, batay sa monitiring ng Department of Agriculture.

Ayon sa DA, ilang mga outlet ang nagbebenta ng P120 kada kilo ngunit ang iba ay aabot na sa P250 depende sa kalidad.

Mas mababa naman ang presyo ng mga puting sibuyas na naglalaro mula P120 hanggang P140 kada kilo.

Ayon pa sa ahensiya, posibleng darating na rin sa susunod na lingo ang mga inangkat na imported inions habang nagsimula nang lumabas ang mga unang aning sibuyas mula sa malalaking onion farm sa bansa.

Dahil dito, inaasahang tuluyan ding bababa ang presyo ng mga sibuyas sa mga susunod na araw habang patuloy ang pagtaas ng volume ng supply kapwa mula sa local production at importation.

Sa Pilipinas, ang monthly consumption ay pumapalo sa 17,000 metriko tonelada.