Nananatiling stable ang presyo ng sibuyas sa mga palengke sa National Capital Region.
Napanatili ang P130 hanggang P220 per kg para sa local red onion, habang P100 to P160 per kg para sa local white onion
Umaabot naman sa P80 to P160 per kg ang presyo ng medium imported white onion.
Ang naturang presyuhan ay sa gitna na rin ng pagtitiyak na Department of Agriculture na may sapat na supply ng sibuyas sa pagtatapos ng 2023 habang sa huling bahagi ng Disyembre ay inaasahang darating na rin ang inangkat na 20,000 metriko tonelada ng sibuyas.
Ang pag-angkat ng nasabing bulto, ayon sa DA, ay itinaon na hindi maisabay sa panahon ng anihan ng sibuyas sa bansa.
Sa kasalukuyan, nagsisilbing pangunaging producer ng sibuyas ang Ilocos Region, Central Luzon, at Mimaropa Region.