-- Advertisements --
image 395

Lalo pang umangat ang presyo ng sili sa Metro Manila, dahil sa patuloy na pagbaba ng supply.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, umaabot na mula sa P500 hanggang P800 ang kada kilo na presyo ng siling labuyo sa mga merkado sa Metro Manila.

Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) deputy spokesperson Henry Esconde, naghahanap na sila ng mga lugar na alternatibong magsusuply ng sili sa Metro Manila, upang mapababa ang presyo nito sa mga susunod na buwan.

Sa kasalukuyan kasi aniya ay tumaas din ang farmgate price ng sili sa mga lugar na may mataas na produksyon.

Kinabibilangan ito ng Cagayan Valley, Central Luzon, at Calabarzon, kung saan naglalaro mula P300 hanggang P500 kada kilo ang farmgate.

Ayon kay Esconde, kasalukuyan na ang kanilang pakikipag-usap sa mga magsasaka sa ibang mga lugar katulad ng Davao Oriental, at iba pang probinsya sa Visayas at Mindanao.

Tiniyak naman ng opisyal na ang kakapusan ng supply ay hindi dahil sa hoarding, kungdi dahil sa naging apekto ng mga nagdaang bagyo.

Naapektuhan aniya ang hanggang 100 ektarya na taniman ng mga silis a Northern Luzon sa pagdaan ng mga bago, at maglakas ng Habagat, kayat nakaapekto ng malaki sa supply ng sili sa mga palengke.