-- Advertisements --
Balak taasan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price ng mga surgical mask.
Ayon sa DTI, nagtaas kasi ang presyo ng surgical mask sa world market.
Sinabi kasi ng Philippine International Trading Corporation (PITC) president at chief executive officer Dave Almarinez , na mag-aangkat ang bansa ng isang milyong piraso ng surgical mask mula sa India na nagkakahalaga ng P12.00 kada isa.
Nais na dagdagan ng DTI ng P2.00 ang SRP nito.
Irerekomenda naman ng DTI sa Department of Health ang nasabing pagtaas ng SRP ng mga surgical mask.