-- Advertisements --
Posibleng sa mga susunod na mga linggo magkakaroon na ng mga paggalaw sa presyo ng mga tinapay.
Ayon kay Luisito Chavez ang director ng Assosasyon ng Panaderong Pilipino, na ito ay dahil sa ilang paggalaw din sa presyo ng mga sangkap na paggawa ng mga tinapay.
Isa sa tinukoy nito ay ang cakes and pastries na ang pangunahing sangkap ay mga asukal.
Bagamat nabawasan ang presyo ng asukal ay hindi pa rin ito sapat para makahabol sa ilan pang pagtaas ng sangkap gaya ng harina.
Ilan sa mga ginagawa nila ngayon ay ang pagbabawas na ng gamit na harina mula sa dating anim na kilo ay magiging apat na kilo na lamang ito.