-- Advertisements --

Dalawang linggo bago ang pasko, matumal pa ang bentahan ngayon ng mga prutas sa divisoria, dahil ayon sa mga nagtitinda puro panregalo pa ang pinamimili ng mga dumarayo.

Pero asahan daw na magtataas pa ang presyo nito habang papalapit ang pagdiriwang ng bagong taon.

Ayon kay Nora Bancud at Mila, tindera ng prutas, inaasahan nila ang dagdag P50 hanggang P100 sa presyo ng mga prutas ngayon.

Kung ngayon ang isang kahon ng mansanas ay nasa P1,400 hanggang P1,500, asahan daw na sa bagong taon ay nasa P1,600 hanggang P1,700 na ito.

Samantala ang isang kahon naman ng Kiat-kiat na nasa P750-P800, asahan umano na aabot hanggang P1,000.Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang magkasunurang tinig ni Nora Bancud at Mila sa panayam ng Bombo Radyo.

Inaasahan naman ng mga nagtitinda na mas malakas na ang benta nila ngayong taon lalo na’t wala na masyadong restrictions na ipinatutupad kaugnay sa Covid-19 pandemic.