-- Advertisements --

Binabatikos ngayon ang mag-asawang sina Prince Harry at Meghan Markle matapos ang desisyon ng mag-asawa na panatilihing pribado ang binyag ng kanilang panganay na si Baby Archie.

Ngayong sabado gaganapin ang seremonya sa Archbishop of Canterbury, isang chapel sa loob ng Windsor Castle. Hindi naman nagbigay ng detalye ang palasyo kung sino-sino ang mga dadalo sa nasabing binyag.

Hindi rin papayagan na makapasok ang media sa loob ng palasyo at tanging mga litrato lamang na kuha ng kanilang personal photographer na si Chris Allerton ang ipamamahagi sa publiko.

Ayon sa iilan, hindi raw makatarungan ang desisyong ito ng mag-asawa dahil buwis umano ng bayan ang gagamitin para sa idaos ang selebrasyon.

Wala ring inilabas na detalye kung sino-sino ang inimbitahan na bisita at pati na rin ang mga kinuhang ninong at ninang.