-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim ngayon sa lockdown ang isang pribadong ospital sa Calinan, lungsod ng Davao matapos na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga doktor nito.

Samantala, aabot naman sa 54 katao ang kailangan ngayon na isasailalim sa swab test matapos makasalamuha ang nasabing doktor.

Base sa impormasyon, una nang lumabas ang kumpirmasyon na nagpositibo sa COVID-19 ang nasabing doktor kung saan nakapagsagawa pa ito ng rounds sa kanyang mga pasyente sa nasabing hospital.

Sa nasabing bilang, 21 mga pasyente, 21 rin na mga watcher at 12 ang mga nurses ang isinailalim sa swab test.

Ipinatupad ang lockdown sa hospital simula alas-2:00 kaninang madaling araw.

Noong nakaraang Biyernes pa isinailalim sa swab test ang nasabing doktor dahilan kaya nakapagsagawa pa ito ng pagbisita sa kanyang mga pasyente bago lumabas ang resulta na nagpositibo ito sa virus.