-- Advertisements --
NAGA CITY – Hindi na pinapasok pa ng pamunuan ng University of North Eastern Philippines ang kanilang mga estudyante dahil sa pagbaha sa kanilang paaralan dala ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Sa impormasyong ibinahagi ni Atty. Remelisa Alfelor-Moraleda ang University President ipinaalam nito ang pagsuspende ng klase sa lahat ng level sa kanilang unibersidad.
Napag-alaman na binaha ang ilang bahagi ng Iriga City ng malakas na buhos ng ulan nitong Biyernes ng umaga.
Samantala, agad naman na nagpost sa kanyang social media account si Mayor Madelaine Alfelor na sinasabing hindi naman bumaha at dumaan lang daw ang tubig sa lugar.
Kaugnay nito, inaasahan na ibabalik din agad bukas ang pasok ng mga estudyante sa nasabing paaralan.