-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Iginiit ni Professor at Sociologist na si Mario Aguja ng Mindanao State University(MSU) GenSan na hindi solusyon sa problema sa bigas ang ipinatupad na price cap.

Ayon sa kanya, ang dapat gawin ng gobyerno ay tututukan ang mga hoarders na kumokontrol sa presyo ng bigas.

Nakapagtataka umano na ang nabanggit na isyu ay matagal ng napag-uusapan ngunit wala namang rice smugglers at hoarders ang nahuli.

Sa kasalukuyan, patuloy na ipinapatupad ang price ceiling sa bigas sa paniniwalang ma-stabilize ang presyo nito sa mga pamilihan.

Gayunpaman, hindi ibinunyag ng pamahalaan kung kailan matatapos ang pagpapatupad ng naturang kautusan mula kay President Ferdinand Marcos Jr.

Bilang tugon, nagbigay ang gobyerno ng tig P15,000 na tulong sa mga apektado rice retailer.