Inihayag ng DA na ang Executive Order No. 39 na inilabas ni Pangulong Marcos na nagpapataw ng price ceiling na P41 at P45 kada kilo ay mananatili hanggang sa bumaba ang retail price ng bigas sa P38 kada kilo.
Sinabi ni Pang. Marcos na ang price cap ay patuloy na magkakabisa dahil kailangan itong pag-aralan nang mabuti.
Idinagdag ni DA Senior Usec. Domingo Panganiban na ang pagpapatupad ng price ceiling ay maaaring magpatuloy hanggang Oktubre 15, o hanggang ssa 30 na kung saan ito ay depende sa kung ano ang mangyayari.
Ayon kay Panganiban, hindi sapat ang P5/kilo na pagbaba sa retail prices ng bigas kasunod ng pagsisimula ng panahon ng anihan.
Tiniyak niya na aalisin ang price ceiling kapag nabili na ang P38 kada kilo ng bigas sa merkado.
Batay sa monitoring ng DA sa Metro Manila markets, ang retail prices ng local regular milled rice ay nasa pagitan ng P40 at P42 kada kilo; local well-milled rice, sa pagitan ng P45 at P48 kada kilo; local premium rice, sa pagitan ng P47 at P60 kada kilo; at local special rice, sa pagitan ng P54 at P62 kada kilo.