-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayong araw ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na kaniya ng tinanggal ang price cap sa bigas.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang event sa Taguig City epektibo ngayong araw.

Magugunita na kahapon sa sectoral meeting sa Malakanyang, inirekumenda ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry sa Chief executive na alisin na ang price ceiling sa bigas dahil bumaba na ang presyo ng bigas sa merkado.

Siniguro naman ng Pang. Marcos na kahit inalis na ang price cap magpapatuloy pa rin ang ayuda ng pamahalaan sa mga magsasaka at sa mga pamilyang Pilipino na nangangailangan ng tulong.

” Well, I think it’s the appropriate time since namimigay tayo ng mga bigas. Yes, we are as of today, we are lifting the price caps on rice, both for the regular milled rice and for the well-milled rice. So, tinatanggal na natin ‘yung mga control pero hindi ibig sabihin basta’t ganun na lang dahil kailangan pa rin natin ayusin ang agricultural sector, kailangan pa rin natin tulungan ang mga pinakamahirap, pinakagutom para kahit papaano makaahon sila. So, to do that, we have we will continue the assistance that we have been giving to farmers, number one, also the assistance that we have been giving to those most under privileged families. Iyong sa pinakamababang demographic economic class dahil talaga sila ang naghihirap,” pahayag ni Pang. Marcos.