-- Advertisements --
balisacan

Nagpahiwatig ang pamunuan ng National Economic Development Authority(NEDA) sa posibilidad na pagtanggal na sa price cap ng well-milled at regular milled na bigas.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, maaaring tanggalin na ito anumang oras mula ngayon.

Maalalang Setyembre-2 nang ipinatupad ang price cap, na nakapaloob sa Executive Order no. 39 ni PBBM.

Ayon sa kalihim, may mga indikasyon nang nakikita ang NEDA, na maaaring magsilbing basehan sa pagtanggal sa limitasyon sa presyo ng bigas.

Kinabibilangan ito ng bumababang presyo ng bigas sa maraming merkado ng bansa, kasama na ang sapat o matatag na supply ng bigas sa mga merkado.

Ayon sa kalihim, bagaman may magandang epekto ang price cap, hindi rin maitatanggi ang hindi maganda nitong impact, daan upang hindi ito dapat magtagal.