Aprubado na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatakda ng mandatory price ceilings sa bigas sa buong bansa.
Ito ay bilang tugon ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.
Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Executive Order No. 39 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos irekumenda ng Department of Agriculture and Department of Trade and Industry na magkaroon ng price ceilings sa bigas.
Layon nito para mapanatili ang resonableng presyo ng bigas sa merkado.
Sa ilalim ng EO 39, iminamandato ang price ceiling para sa regular milled rice ay nasa PhP41.00 per kilogram habang ang well-milled rice ay nasa PhP45.00 per kilogram.
Magiging epektibo at mananatili ang price ceilings sa bigas hanggat hindi ito tinatanggal o binabawi ng Pangulo.
Batay sa projection at sa EO 39 iniulat ng DA at DTI na ang suplay ng bigas sa bansa ay umabot na sa stable level at magiging sapat sa pagdating ng mga inangkat na bigas.
Sa kabila ng steady supply ng bigas, ibinunyag ng DA at DTI ang talamak na illegal price manipulation, gaya ng hoarding, sabwatan ng mga cartel.
Inataaan ni Pang. Marcos ang DA at DTI na tiyaking striktong naipatupad ang price ceilings.
Pinaiimbestigahan din ng chief executive ang umano’y kahina hinalang paggalaw ng presyo sa merkado.
Inatasan din ng Pangulo ang Bureau of Customs at PNP na palakasin ang kampanya laban sa smuggling.