Epektibo na ang price freeze sa basic necessities sa 7 lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), kabilang sa mga lugar na ito ang Metro Manila, Batangas, Cainta sa Rizal, Cavite, Oriental Mindoro, Bataan at Bulacan.
Batay kay Trade Sec. Alfredo Pascual, may bahagyang pagtaas ang presyo sa mga pangunahing bilihin na mas mababa sa 1% subalit tolerable pa naman umano ito.
Nagbabala naman ang kalihim sa mga negosyo na magtatangkang samantalahin ang sitwasyon.
Aniya, pinakilos na nila ang monitoring teams para striktong ipairal ang price freeze kung saan ang mga mapapatunayng lumabag dito ay mahaharap sa pagkakakulong at kaukulang multa.
Kayat hinimok ng opisyal ang mga establishimento na sumunod sa price freeze at iprayoridad ang kapakanan ng ating kababayan sa gitna ng epekto ng nagdaang kalamidad.