-- Advertisements --
Magpapatupad ng ‘Price Freeze’ ang gobyerno kasunod ng ipinapatupad na enhance community quarantine.
Ito mismo ang laman ng joint memorandum na pinirmahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture.
Sakop ng nasabing kautusan ang mga nagbebenta sa internet at ibang uri ng media.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na epektibo ang nasabing price freeze hanggang Mayo 15.
Binalaan din nito ang mga lalabag na sila ay mahaharap sa karampatang kaparusahan gaya ng pagkabilanggo ng hanggang 15 taon at mula mula P5,000 hanggang P2-milyon.