-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng price freeze sa mga produktong LPG at kerosene sa loob ng 15 araw sa lungsod ng Marikina, at sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, at Aurora dahil sa Bagyong Ulysses.

“During the price freeze, rollback of prices will be implemented, while price increases are strictly prohibited within the 15 day period,” saad sa pahayag ng DOE.

Epektibo mula Nobyembre 13 hanggang Nobyembre 27 ang price freeze sa Marikina at Isabela.

Ngunit ang price freeze naman sa Cagayan at Aurora ay mula Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 28.

Una nang sinabi ng Malacañang na walang mangyayaring pagtaas ng presyo sa mga basic goods sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity.