Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) na hanggang sa Enero 17 pa tatagal ang umiiral na price freeze sa Luzon.
Dahil dito, iginiit ng DTI na hindi pa rin puwedeng magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin sa Luzon kahit pa buhos ang mga mamimili sa mga groceries at palengke para sa pagdiriwang ng kapaskuhan at nalalapit na Bagong Taon.
Siniguro naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na mahigpit silang naka-monitor sa pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) at nagpapadala na rin daw sila ng letters of inquiry sa mga nakikitaan ng paglabag.
Sakaling hindi aniya ibinalik sa tamang presyo ay dito na umano maghahain ng kaso ang ahensya sa ilalim na rin ng price act.
Dito ay pagmumultahin ang mga pasaway ng P5,000 hanggang P2 milyong at maaari ring makulog ng lima hanggang 15 taon.