CENTRAL MINDANAO – Ipinapatupad ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga bilihin sa tatlong bayan at isang siyudad sa probinsya ng Cotabato na grabeng sinalanta ng 6.3 magnitude na lindol.
Todo bantay ngayon ang DTI-Cotabato sa presyo ng bilihin sa mga bayan at lungsod na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa lindol.
Sinabi ni DTI Consumer Protection Division Ken Wong, otomatikong magpapatupad ng price freeze sa mga basic commodity goods.
Mino-monitor din ng DTI ang lahat ng presyo ng bilihin sa bayan ng Makilala, M’lang,Tulunan North Cotabato at Kidapawan City matapos itong magdeklara rin ng State of Calamity.
Lahat ng mga tinitinda sa hardware at iba pa na ginagamit sa paggawa ng bahay ay naka-price freeze at nakabantay ang mga kawani ng DTI.
Sa sinumang lalabag sa kautusan ng DTI at nanamantala sa presyo ng bilihin sa mga lugar na isinailalim sa price freeze ay direktang pananagot sa batas.