Kasabay ng sunod-sunod na deklarasyon ng State of Calamity sa maraming lugar sa Pilipinas dahil sa malawakang pagbaha kamakailan, ipinaalala ng Department of Energy ang pag-iral ng price freeze sa mga produktong liquified petroleum gas(LPG).
Ayon sa DOE, epektibo ang price freeze sa mga naturang produkto sa loob ng 15 days mula nang ideklara ang SOC.
Sa ilalim nito ay bawal ang pagtataas sa presyo ng mga LPG na 11 Kg pababa, kasama ang mga kerosene products ngunit papayagan naman ang anumang panukalang tapyas-presyo.
Kabilang sa mga lugar ay ang Manila City, Marikina, Navotas, Quezon, Bataan, Pampanga, Bauang(La Union), Bulacan, Cavite, Pinamalayan(Oriental Mindoro), at Rizal Province.
Dahil magkakaiba ang araw ng deklarasyon ng SOC sa mga munisipalidad at ng kanilang probinsya, susundin dito ang naunang date of declaration, batay sa inilabas na resolution ng mga LGU(City at Provincial board).