Nagpaalala ang Department of Energy ukol sa pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa mosquito-borne disease na dengue.
Sa kasalukuyan ay maraming mga lugar na ang nagtataas ng alarma dahil sa paglobo ng kaso ng naturang sakit kasunod na rin ng naunang mga pagbaha at sunod-sunod na pag-ulan.
Ayon sa DOE, magtatagal ang price freeze sa presyo ng mga produktong petrolyo 15 araw mula sa opisyal na deklarasyon ng lokal na pamahalaan.
Halimbawa dito ang Mountain Province na unang nagdeklara ng SOC noong July 29, 2024 salig sa Sanguniang Panlalawigan Resolution No. 2024 – 357.
Mananatili ang presyo ng mga LPG sa loob ng 15 days muna nang naaprubahan ang naturang resolusyon.
Sa ilalim ng price freeze, ang presyo ng mga household LPG o yaong mga LPG cylinder na 11 kgs pababa at mga kerosene products, ay hindi dapat gagalaw kahit na may LPG price adjustment sa loob ng sinasaklaw n 15 days.