-- Advertisements --

Target mailabas ang price guide para sa mga Noche Buena products sa buwan ng Nobiyembre ayon kay Acting Trade Secretary Cristina Roque.

Pinag-aaralan pa kasi sa ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) kung kanilang aaprubahan ang paggalaw sa mga presyo na hinihirit ng mga manufacturer.

Subalit sa ngayon, ayon sa DTI official walang umento sa presyo ng mga Noche Buena product.

Matatandaan noong 2023, nakitaan ng pagtaas ang price tags sa Noche Buena products tulad ng ham at fruit cocktails.

Iniuugnay ng DTI ang pagtaas ng presyo noon sa pagtaas ng halaga ng packaging materials, labor, power at distribution base na rin sa mga manufacturer.