Ipinagpaliban ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga pangunahing bilihin.
Ito ay sa hangaring mapagaan ang pasanin ng mga mamimili sa gitna ng matagal na pagsasara sa Metro Manila at iba pang pangunahing mga sentro ng komersyo sa bansa.
Kinumpirma mismo ni Trade Secretary Ramon Lopez na ipinagpaliban nila ang adjustment sa SRPs (suggested retail prices) habang ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).
Huling bahagi ng Hunyo, pinayagan ng DTI ang ilang mga brands ng basic goods na taasan ang kanilang mga presyo ng P0.25 hanggang P0.75 o ng halos 3.5% dahil sa pagtaas ng gastos ng mga raw materials.
Inaprubahan ng ahensya ang pagtaas ng presyo para sa mga basic goods kabilang ang sardinas, de-latang karne, pansit, gatas at kape, na dapat ay magkakabisa noong Agosto.
Ang pag-apruba ng pagtaas ng presyo ay nagawa matapos iangat ng DTI ang isang buwan na pag-freeze ng presyo sa mga pangunahing bilihin noong Hulyo 9.
Sa ilalim ng ECQ protocol, ang mga essential trips at essential services lamang, tulad ng pagkain at gamot, ang pinapayagan na mag-operate.