-- Advertisements --
image 88

Umani ng positibong reaksyon sa mga pampasaherong driver ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo na epektibo ngayong araw.

Nasa halos P2.60 hanggang P2.90 kada litro ang ibabawas ng diesel, samantalang P2.10 hanggang P2.40 naman sa gasolina at P2.20 hanggang P2.50 naman sa kerosene.

Anila, malaki ang maitutulong nito sa pang araw araw nilang hanap buhay dahil mas malaki ang kikitain nila kumpara sa mataas na presyo nito.

Ayon kay Ryan Gonzales, maganda ito dahil bawas na umano sa hirap ng pamamasada.

Samantala, sinabi naman ni Ogie Soriano na kapag mababa umano ang presyo ay nakakapag full tank siya ng krudo, sinasamantala niya na umano dahil malaki na rin ang deperensya nito.

Kung maaalala ang presyo ng produktong petrolyo hanggang ngayon ay halos tuwing linggo mayroong adjustment.

Dahil dito, ang mga pampasaherong driver ay nag aadjust rin ngunit ang pamasahe sa kanilang pamamasada ay ganoon parin, mababa man o mataas ang presyo ng produktong petrolyo.

Sumapasapat pa naman umano ang kita sa isang araw ngunit bawat barya ay pahirapan lalo na’t marami na rin ang namamasada.