-- Advertisements --
zarate
Carlos Zarate

LEGAZPI CITY – Domino effect umano ang mararamdaman ng mga Pilipino sa susunod na mga araw kasunod ng ipapatupad na ikatlong bugso ng karagdagang excise tax.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bayan Muna Party-list Rep. Caros Isagani Zarate, pinakaapektado ng dagdag buwis ang mga ordinaryong Pilipino.

Ayon sa mambabatas, sasalubungin ang mga ito ng mataas na presyo ng diesel, gasolina at cooking gas maliban pa sa mataas na presyo ng sigarilyo.

Asahan na aniya ang “price shock” ng mga consumers lalo na at sigurado nang ipapasa ng mga negosyante sa presyo ng mga produkto ang karagdagang buwis.

Hindi umano makakatulong ang una nang ipinatupad na tax exemption sa mga minimum wage earners na mababawi ng mataas na presyo ng bilihin.

Umaasa naman si Zarate na opisyal nang maisasabatas ang dagdag na sahod sa mga manggagawa gayundin ang pagtapos ng kontraktwalisasyon.