Inanunsiyo ni Prime Minister Ariel Henry ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto.
Sa kaniyang resignation letter, nakasaad na marapat na ito ay magbitiw dahil sa mga nagaganap na kaguluhan sa nasabing bansa.
Naniniwala ito na naging sapat ang kaniyang paninilbihan lalo noong nahaharap sa hamon ang kanilang bansa.
Ibibigay na lamang niya ang pamamahala ng bansa sa binuong transitional council kung saan pansamantalang itinalaga si finance minister Michael Patrick Bolsvert bilang interim prime minister hanggagn magkaroon ng bagong gobyerno.
Ang transitional council ay binubuo ng pitong voting members at dalawang non-voting observers na ang trabaho ay magtalaga ng bagong prime minister at gabinete.
Magugunitang noong Pebrero ay sumiklab ang kaguluhan mula sa mga gang kung saan kanilang inatake ang mga paliparan at pantalan sa capital na Port-au-Prince.