-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa bansa si Cambodian Prime Minister H.E. Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na isasagawa ang nasabing pagbisita sa darating na Pebrero 10 at 11.
Magkakaroon sila ng bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Pebrero 11.
Ilan sa mga nakatakdang tatalakayin ng dalawang lider ay ang pagpapalakas ng paglaban sa transnatioanl crimes, depensa, trade, turismo at ang regional at multilateral cooperation.
Mula pa noong 2023 ay naging Prime Minister si Hun na siyang pumalit sa ama nitong si Hun Sen.
Aabot naman sa mahigit 7,000 na mga Pinoy ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Cambodia.